Nangangailangan pa ng mas maraming undercover police ang Bureau of Immigration (BI) upang magbantay sa airport laban sa human trafficking.

“Iisa ang modus, paulit-ulit lang naman, at sa iisang lugar din sila nagkikita. To stop trafficking, you have to yank it from its roots and stomp on it hard," sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Madali lamang aniyang matukoy ang mga pinaghihinalaang gumagawa ng illegal dahil madalas nakikipagkita sa mga biktima sa loob ng airport complex kung saan nila iniaabot ang mga pekeng dokumento.

"Hindi na dapat sila umaabot dito [sa immigration area]. Bago makarating ng airport ang biktima, ang dami nang dadaanan," ani Tansingco.

 Idinagdag pa ni Tansingco, nire-recruit ang mga biktima sa pamamagitan ng social media at nagbabayad sa pamamagitan din ng wire transfer.

PNA