Ibinida ng VIVA artist na si AJ Raval ang kaniyang naging pagtatapos ng senior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS ng San Fernando, Pampanga Division, noong Biyernes, Hulyo 21, 2023.

Sa Instagram post ni AJ, nagpaabot siya ng kaniyang pagbati para sa mga kapwa niya nagsipagtapos.

“Congratulations po sa ating lahat ALS Learners 🎊,” aniya.

Pinasalamatan niya rin ang kaniyang guro at ang pamunuan ALS Pampanga Division.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Sa aking guro na si Sir Jay Gopez , maraming salamat po sa pagtitiyaga sa amin hanggang dulo ❤️ at sa pamunuan po ng ALS SAN FERNANDO PAMPANGA DIVISION,” dagdag pa niya.

“MARAMING SALAMAT PO SA INYONG ADBOKASIYA AT MABUHAY PO KAYO,” sey pa ni AJ.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Nagpaabot naman ng pagbati ang netizens.

“Congratulations, this is a person who Changed her goals for the better. God bless you and your future endeavors.”

“Congratulations, sweetie!”

“Congrats aj ALS din po ako nakapag tapos.”

“Congratulationsssss!”

“Congrats babe AJ!”

“Congrats!!!!!!”

Para sa kaalaman, ang Alternative Learning System o ALS ay isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong matulungan ang mga out of school youths, mga manggagawa, may kapansanan at iba pang indibidwal na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang dahilan, at nagnanais pang ipagpatuloy ito.