Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City - Dalawang high-value individual ang naaresto ng pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City, Cavite nitong Hulyo 21.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Rollen Jim Papa, 38, taga-Barangay Palico IV, Imus City, at Arnold Dela Cruz, 44, taga-Brgy. Malagasang 2Am Imus City, Cavite, ayon kay Imus City Police chief, Lt. Col. Michael Batoctoy.

Nahuli sa aktong ang dalawang suspek habang nagbebenta ng illegal drugs sa na nagkakahalaga ng P138,000 sa isang police poseur buyer.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng dalawang suspek.