Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Filipinas women's football team sa kauna-unahang pagsabak nito sa FIFA Womens’ World Cup nitong Biyernes, Hulyo 21.
"We wish the ‘Filipinas’ women’s team the best of luck as they make history in their FIFA World Cup debut!" ani Marcos sa isang Twitter post.
"The entire nation stands behind you with pride, watching you break barriers and inspire generations," dagdag niya.
Lumaban ang Filipinas laban sa Switzerland sa kanilang sa World Cup, kung saan natalo sila sa 0-2.
Ang naturang laban ay isang makasaysayan at napakahalagang oras para sa koponan ng Pilipinas dahil ito ang kauna-unahang pagsabak ng bansa sa World Cup.