Magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malaysia sa susunod na linggo para sa tatlong araw na state visit upang palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan nito para sa benepisyong pang-ekonomiya ng bansa.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Malacañang nitong Biyernes, sinabi Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ambassador Ma. Teresita Daza, tugon ito ng Pangulo sa imbitasyon nina King Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim.

Tatlong araw na mananatili si Marcos sa Malaysia, mula Hulyo 25-27. 

"During this meeting, he will meet with both the Malaysian King, the 16th King of Malaysia, and the Prime Minister of Malaysia, and he will pursue bilateral cooperation in priority areas…are actually in support of the economic agenda of the country,” ani Daza.

Kabilang sa makakasama ni Marcos sa nasabing biyahe si First Lady Marie Louise Araneta-Marcos, mga miyembro ng Gabinete at iba pang business delegation.