Nagbigay ng komento ang Guinness World Records (GWR) hinggil sa kumakalat na mga ulat tungkol sa isang lalaki sa Nigeria na pansamantalang nabulag pagkatapos niyang umiyak sa loob ng pitong araw para masungkit ang isa umanong GWR title.
Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Hulyo 21, ibinahagi ng Nigerian content creator na si Tembu Ebere ang ilang bahagi ng kaniyang video na humahagulgol habang nakatabi sa kaniya ang isang laptop na nagpapakita ng pag-oras niya sa kaniyang pag-iyak.
View this post on Instagram
“We did it !!!😩😩 100hrs crying time in 7 days,” caption ni Ebere sa naturang post.
“Thank you for your amazing support I love you all,” dagdag niya habang naka-mention din ang verified Instagram account ng GWR.
Sinabi rin ng nasabing Nigerian content creator sa comment section na totoo ang kumakalat na balitang pansamantala siyang nabulag dahil sa walang tigil niyang pag-iyak sa mahabang oras.
“[L]ast night I had severe Tympanitis. I’m under medical attention and I’m feeling much better,” ani Ebere.
“Thank to everyone reaching out I’m grateful and happy e set this record ❤️🙏🏼 I cry for Africa 😩🦅,” saad pa niya.
Samantala, pinabulaanan naman ng GWR na may minonitor silang world record para sa longest marathon pagdating sa pag-iyak.
“Just to quell some recent rumours, we wouldn't ever monitor a record for the longest marathon crying,” paglilinaw ng GWR sa isang Twitter post.
[embed]http://twitter.com/GWR/status/1681675415969050624?s=20[/embed]
Nagbahagi rin ang GWR ng link ng kanilang website para umano sa mga world record na minomonitor ng kanilang team.
Kamakailan lamang, nagbigay rin ng paalala ang GWR na kumpirmahin muna sa kanilang website ang isang world record title bago nila ito subukang sungkitin.
“Polite reminder that you should probably have your world record title confirmed by our team before attempting it,” paalala ng GWR sa kanilang Twitter post.
[embed]http://twitter.com/GWR/status/1676151275493240836?s=20[/embed]