Tig-₱5,000 na cash assistance ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Central Luzon.

Nasa 3,200 na magsasaka ang makikinabang sa nasabing Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng ahensya.

Ipinaliwanag ni DA Regional Technical Director for Operations and Extension Eduardo Lapuz, ang mga nabanggit na magsasaka ay taga-Guimba, Sto. Domingo at Muñoz sa Nueva Ecija

“The program also aims to provide assistance during times of crop losses or natural disasters," ani Lapuz.

Kaugnay nito, nanawagan si Lapuz sa iba pang magsasaka na magpatala na sa Registry Systems for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang makatanggap din ng unconditional cash assistance.

Ang pondo ng programa ay mula sa nakolektang taripa ng bigas kada taon na bahagi ng ₱10 bilyong nakalaan para sa RCEF.

PNA