Inaresto ng pulisya ang isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig nitong Huwebes, Hulyo 20.
Kinilala ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City police ang suspek na si Roger Orsal, 51, na nahuli umano sa isang operasyon sa C5 Road, Waterfun, Barangay Western Bicutan.
Nahuli siya sa umano’y paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Habang isinasagawa ang operasyon, narekober sa kaniyang ang siyam na plastic sachets na naglalaman umano ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 25 gramo na may halagang P170,000, at P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Jonathan Hicap