Dalawa ang naiulat na nasawi matapos umanong tamaan ng diarrhea sa Rapu-Rapu, Albay kamakailan.

Ayon sa Albay Provincial Health Office nitong Huwebes, ang dalawang namatay ay residente ng Barangay Manila, Rapu-Rapu.

Pito pang pinaghihinalaang tinamaan ng sakit ang nakaratay pa rin sa Legazpi City Hospital at ACE Medical Center kung saan sila sumailalim sa rectal swabbing. 

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang isinugod sa ospital ang mga nasabing residente nitong Hulyo 15 matapos umano silang tamaan ng naturang sakit.

Nitong Hulyo 20, tuluyan nang binawian ng buhay ang dalawa sa mga nasabing pasyente.

Hinihintay pa ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ang resulta ng microbiological examination ng nakolektang water samples sa lugar na pinagkukunan ng inuming tubig ng mga residente.