Hindi maitatago ang saya ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) nang manguna ang “Eat Bulaga” sa noontime ratings nitong Hulyo 19.
Sa isang pahayag sa pamamagitan ng lawyer ng TAPE Inc., na si Maggie Abraham-Garduque, masaya sila sa tagumpay ng nasabing noontime show.
Base sa inilabas na datos ng AGB Neilsen para sa July 19 ratings, nanguna ang “Eat Bulaga” na may 4.12 porsyento sa Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) kumpara sa 3.79 na porsyento ng “E.A.T” sa TV5 at 2.76 na porsyento ng “It’s Showtime” sa A2Z at GTV.
Maki-Balita: ‘Eat Bulaga,’ nangunguna sa ratings; Isko Moreno, nagpasalamat sa viewers
“We are beyond words. Thank you is not enough for our Kapuso. We promise to do better na makapagbigay ng ‘tulong at saya’ para masuklian ang pagmamahal na binibigay ng ating mga viewers to ‘Eat Bulaga,’” saad ng TAPE.
Dagdag pa nito, early 44th anniversary gift na raw ito para sa Eat Bulaga.
“This is an early anniversary gift for ‘Eat Bulaga.’ Maraming salamat. Ang celebration po ng 44 years ng ‘Eat Bulaga’ ay celebration ng mga kababayan natin na tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa ‘Eat Bulaga’ mula noon hanggang ngayon. Salamat dahil hindi nyo kami binitiwan despite this trying time," anang producer ng EB.
Bukod sa TAPE, nagpasalamat din ang isa sa mga hosts ng EB na si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
“Una maraming salamat sa Diyos! Maraming salamat sa ating mga viewers sa pagtitiwala nila samin mga baguhan host ng eat bulaga, maraming salamat sa production staff and creatives ng tape inc.,” saad ni Domagoso nitong Huwebes, Hulyo 20 sa kaniyang Facebook page.
Maki-Balita: ‘Eat Bulaga,’ nangunguna sa ratings; Isko Moreno, nagpasalamat sa viewers
Sa darating na Hulyo 29 ang 44th Anniversary ng Eat Bulaga.
Kaugnay na Balita: Sotto sa 44th anniv daw ng Eat Bulaga: ‘Kami orig na may karapatan mag-celebrate’