Hinirang ni Pope Francis ang isang Pilipinong pari bilang bagong opisyal ng Dicastery for Evangelization, ang missionary arm ng Vatican.

Sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Miyerkules, Hulyo 19, itinalaga si Fr. Erwin Jose Balagapo mula sa Archdiocese ng Palo, Leyte para sa naturang posisyon.

Ipinanganak umano si Fr. Balagapo sa Tacloban City at naordinahan bilang pari noong 1996.

Bilang isang canon lawyer, nagtatrabaho si Fr. Balagapo sa dicastery mula noong 2015 matapos ang kaniyang karagdagang pag-aaral sa Roma.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, kasama umano ni Fr. Balagapo si Korean Msgr. Han Hyun-taek sa pagsisilbi bilang bagong opisyal sa dicastery sa loob ng limang taon.

“Their tasks involve leading the office under the Section for the First Evangelization and New Particular Churches, which is overseen by Cardinal Luis Antonio Tagle as pro-prefect,” anang CBCP.

Nagtatrabaho umano ang dalawang pari sa dicastery bago ang kanilang promosyon.