QUEZON - Patay ang isang magsasaka at malubhang sugatan ang isang barangay chairman matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City nitong Martes, Hulyo 18 .

Kinilala ni Tayabas Police chief, Lt. Col. Bonna Obmerga, dead on arrival sa Tayabas Community Hospital si Romeo Sayam, 30, residente ng nasabing lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasugatan naman si Rowell Cabuyao de la Torre, 37, chairman ng Barangay Ilayang Nangka,na halos kalahati ng katawan ang nalapnos at kasalukuyang nakaratay sa ospital.

Bago ang insidente, sumilong ang dalawa sa resthouse na pag-aari ni De La Torre na nasa gitna ng palayan dahil biglang umulan na sinabayan ng pagkidlat na tumama sa mga ito dakong 3:30 ng hapon.