Natanggap na ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang certificate of proclamation mula sa Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.

Dahil dito, isa nang ganap na kinatawan ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list sa House of Representatives si Tulfo.

Matatandaang ibinasura ng 2nd Division ng Comelec ang petisyon para i-disqualify si Tulfo bilang nominee ng ACT CIS Party-list sa nakaraang 2022 elections.

Nitong Hulyo 12, pinagtibay ng Comelec ang pagbasura sa motion for reconsideration na inihain ni Atty. Moises Tolentino, Jr. nitong Mayo 29, sa halip na Mayo 25 hanggang Mayo 28 o tatlong araw sa pagtanggap ng desisyon sa usapin.

“Since Petitioner’s Motion for Reconsideration of the Resolution of the Second Division was belatedly filed, the said Resolution became final and executory by operation of law,” pahayag ng Comelec sa kanilang desisyon nitong Hulyo 12.