Umaani ngayon ng kritisismo mula sa netizens ang bagong release na rap song ng dating "The Hunk" member Carlos Agassi na may pamagat na "Milk Tea."

Dahil sa tila double meaning daw na lyrics, umalma ang LGBTQIA+ community sa ilang bahagi ng lyrics na tila "transphobic" daw.

"Pagbaba ng panty, mga mata'y napadilat. 'Put*ng-ina,' ako'y napamura sa gulat. Venti ang kaniyang milk tea! Sa dami ng binibini, nakabingwit ako ng binabaiiiiihhhh…” bahagi ng lyrics nito.

Ang terminong "transphobic" ay tumutukoy sa "negative attitudes, feelings, or actions towards transgender people or transness in general," ayon sa diksiyonaryo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa pagpapatuloy, ang transphobia ay nag-iinclude daw ng "fear, aversion, hatred, violence or anger towards people who do not conform to social gender expectations."

Inulan si Carlos ng iba't ibang batikos hinggil dito.

"TRANSPHOBIC KA NA NGA WALA PA SA TONO, PANGIT PA NG BOSES MO KASING PANGIT MO."

"Anong trip mo?"

"KSP! Nagpapansin lang 'to! Gf lang n'ya nakakaappreciate sa kaniya kasi other than mama n'ya."

"Napaka-transphobic ng kanta..."

"Anong moral lesson nito?"

Sa kabilang banda, tila game naman makipagbardahan sa bashers si Carlos dahil talagang sinasagot niya ang bawat hate comments sa kaniya ng netizens.

"I respect all genders, it's not my fault that's your interpretation of the song," aniya.

https://twitter.com/amiragassi/status/1680880701212872705?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1680880701212872705%7Ctwgr%5E7045a42859a8df59ea2ab78b7144588d130b7689%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fpop.inquirer.net%2F348120%2Fcarlos-agassis-newly-released-rap-song-milk-tea-is-being-slammed-on-twitter-for-its-supposed-transphobic-lyrics

"Pag wala na masabi, puro (panlalait) at kabastusan. It's a reflection ng pagpapalaki sa'yo ng magulang mo, nakakahiya ka? Pointless straight to the point boom 🧋 laos, panit, walang talent? Sino ako, wait harap sa salamin (tingnan) mo sarili mo🧋haters are losers pretending to be winners," banat pa ng dating aktor.

https://twitter.com/amiragassi/status/1681224345174282242