Kinakiligan ng netizen ang pag-flex ng dating senador na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa lambingan nila ng misis na si Jinkee Pacquiao, na makikita sa kaniyang social media platforms.

Sa latest Facebook post ng dating presidential candidate, ibinida ni Manny ang paghalik niya sa kamay ng kaniyang kabiyak. Nasa loob sila ng isang sasakyan at siyempre, magkatabi sila sa upuan.

Naantig naman ang mga netizen sa caption na kaniyang inilagay.

"Joy ride with my beautiful wife! Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan. Samot ko og ka in-love sa akong misis," anang PacMan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Para bang ayaw mapaghiwalay ng maghigpit na pagkakahawak ng kanilang mga kamay sa iba pang larawan.

Tila marami naman ang nakaka-miss ngayon kay PacMan dahil tila nag-lie low raw ito sa telebisyon matapos mabigong manalo sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa, at matapos ang termino sa pagka-senador.

"There are many reasons I admire you! This is one of them! The way you love your wife and family is amazing!"

"Manny, big salute to you for being the best fighter & lover..."

"Yes you deserve each other and what a lovely couple. And you are a really nice kind."

"You are an amazing couple! And yes it’s true: love grows as we get older!"

Batay sa iba pang latest FB post ng boksingero, mukhang nagtungo silang pamilya sa Jeju Island, South Korea para magbakasyon.