Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros hinggil pagbabasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng pamahalaan ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon sa “War on Drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang iginiit ng Appeals Chamber na taliwas umano sa paulit-ulit na argumento ng Pilipinas, ang naturang desisyon ay hindi nakabatay sa hurisdiksyon ng ICC na magsagawa ng pagsisiyasat sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong Miyerkules, Hulyo 19, sinabi ni Hontiveros na ito raw ang "first step" para makamit ang hustiya ng mga biktima sa War on Drugs. 

"This is an important first step in achieving justice for the victims, the widows, and the orphans of the War on Drugs. My hope is that the President and the agencies of the Executive will cooperate with the investigation of the ICC so that true justice is obtained," anang senador.

Saad pa ni Hontiveros, sana raw ang "Bagong Pilipinas" ay makatarungan sa lahat. 

"The people are watching if he will put the country or his political alliance first. Sana ang Bagong Pilipinas nila ay Pilipinas na makatarungan sa lahat," dagdag pa niya.

Bukod kay Hontiveros, ikinatuwa ng Akbayan Party ang nasabing desisyon ng ICC.