Nagpahayag si Atty. Chel Diokno sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa apela ng gobyerno na ihinto ang imbestigasyon sa “War on Drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang tweet nitong Miyerkules, sinabi ni Diokno na mahalaga ang desisyon ng ICC dahil inaalis aniya nito ang pinakamalaking sagabal sa pagtutuloy ng imbestigasyon sa extrajudicial killings sa dating administrasyon ni Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Napakahalaga ng desisyong ng ICC dahil inaalis nito ang pinakamalaking sagabal sa pagtutuloy ng imbestigasyon sa talamak na extrajudicial killings noong nakaraang administrasyon," ani Diokno

"Ang proseso na sinusunod ng prosecutor ay magpapatuloy, mayroon man o walang kooperasyon ng gobyerno," dagdag pa niya.

Matatandaang iginiit ng Appeals Chamber na taliwas umano sa paulit-ulit na argumento ng Pilipinas, ang naturang desisyon ay hindi nakabatay sa hurisdiksyon ng ICC na magsagawa ng pagsisiyasat sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: ICC, ibinasura apela ng ‘Pinas na ihinto ang imbestigasyon sa ‘drug war’ ni Duterte

Nito ring Miyerkules ay naglabas din ng pahayag si Senador Risa Hontiveros.

“This is an important first step in achieving justice for the victims, the widows, and the orphans of the War on Drugs. My hope is that the President and the agencies of the Executive will cooperate with the investigation of the ICC so that true justice is obtained,” anang senador. 

Saad pa ni Hontiveros, sana raw ang “Bagong Pilipinas” ay makatarungan sa lahat. 

“The people are watching if he will put the country or his political alliance first. Sana ang Bagong Pilipinas nila ay Pilipinas na makatarungan sa lahat,” dagdag pa niya.

Maki-Balita: Hontiveros sa desisyon ng ICC: ‘This is an important first step in achieving justice for the victims’