NUEVA ECIJA -- Boluntaryong sumuko sa awtoridad ang dating rebelde na armado ng baril at pampasabog, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Col. Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija police, na pinangasiwaan ng lokal na pulisya, Philippine Army, at iba pang support units ang pagsuko ni Ka Kris, kasama ang Cal .38 revolver na walang serial number at isang K2 hand grenade, nitong Martes, Hulyo 18.

Iniulat na si Ka Kris ay dating miyembro ng MAMBAYU (Mangang Marikit Bagong Barrio Yuson) at messenger o liaison officer sa ilalim ng Arcadio Peralta Command na nag-o-operate sa bayan ng Guimba noong 1992 hanggang 2018.  

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito