Nagpaliwanag ang actor-turned-rapper na si Carlos Agassi hinggil sa isyung ipinupukol sa kaniyang bagong labas na rap song, na may pamagat na "Milk Tea."

Ayon sa maraming netizens, "transphobic" o laban sa mga "trans" daw ang laman ng lyrics nito, lalo na sa bahaging "Pagbaba ng panty, mga mata'y napadilat. 'Put*ng-ina,' ako'y napamura sa gulat. Venti ang kaniyang milk tea! Sa dami ng binibini, nakabingwit ako ng binabaiiiiihhhh…”

Nag-react na rin dito si Miss Trans Global 2020 Mela Habijan at nag-open letter laban kay Amir (palayaw ni Carlos) sa pamamagitan ng kaniyang tweet.

Mela kay Carlos: 'Only the desperate will make fun of others to make them look good'

Sa kaniyang tweets naman ay dumepensa si Carlos sa kritisismong natanggap niya.

Paliwanag naman ni Carlos, happy ending naman daw ang kuwento sa likod ng kanta dahil nagkatuluyan naman daw ang persona at ang tinukoy na transwoman sa nabanggit na kanta.

"I explained a hundred times that I interpreted this song has a happy ending. In the music video they kissed after knowing that she is trans. My wife asks her trans friend and her friend said it was a fun song and not offensive."

https://twitter.com/amiragassi/status/1681528571414863872

"Music is art and every art is open to interpretation and criticism. Pilit niyo lang na pinalalabas na transphobic, ginagawan ng issue, at nilalait ang kanta. Nagkakampihan, pinagtutulungan, at hinihila pababa. Spread love and support your local artists. Milk Tea tayo dyan!" aniya.

https://twitter.com/amiragassi/status/1681528585419620353

"Milk Tea By Carlos Agassi was supposed to be a romantic comedy song, loving all genders especially LGBTQ Community which I thought are open minded and would understand and appreciate my point since most of them are talented in the entertainment industry," dagdag pa.

Ibinahagi rin ito ng kaniyang "wife" na si Sarina Yamamoto.

https://twitter.com/sarinayamamoto/status/1681528917767901184