SK Kagawad arestado sa kasong rape sa Batangas
CAMP MALVAR, Batangas -- Arestado ang 25-anyos na Sangguniang Kabataan kagawad na wanted sa kasong panggagahasa at kahalayan sa Batangas, sa Barangay Poblacion, Carles, Iloilo nitong Lunes, Hulyo 17.
Sa ulat ni Batangas police chief Police Col. Samson Belmonte kay Police Regional Office 4-A Director Police Brig. Gen. Carlito Gaces, kinilala ang suspek na si Jerald Herradura, alyas "Jeboy," residente ng Sitio Bagacay Dako, isang island village sa Barangcalan, Carles.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Nobyembre 15, 2022 ng Regional Trial Court Branch 83, Tanauan City, para sa two counts of rapes, walang inirerekomendang piyansa, at lascivious conduct na may piyansang P200,000.
Nangako si Belmonte na patuloy silang maghahatid ng hustiya sa iba't ibang panig ng bansa.
“Walang hangganan ang hustisya at ihahatid ito kahit saan sa Pilipinas ng Batangas PNP. Ang puwersa ng pulisya ng Batangas ay palaging nagtatrabaho ng lampas sa orasan upang matiyak na ang ating mandato sa paglilingkod at pagprotekta ay naisasagawa nang maayos,” ani Belmonte.