Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Lunes ng gabi, Hulyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:35 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 33 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maitum, Sarangani, na may lalim na 6 kilometro.
Naramandaman ang Intensity II sa General Santos City, South Cotabato.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Banga, Norala, Tupi, at Santo Nino, South Cotabato; Isulan at Kalamansig, Sultan Kudarat; Maitum at Kiamba, Sarangani
Intensity II - Don Marcelino, Davao Occidental; Maasim at Malungon, Sarangani; Bagumbayan, Lebak, at Esperanza Sultan Kudarat; General Santos City, South Cotabato
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.