Ganap nang batas ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 o ang Republic Act 11954 matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang naturang panukala nitong Martes, Hulyo 18.

Ayon kay Marcos, ang MIF ay magbibigay-daan sa Pilipinas para lumahok sa mahahalagang pamumuhunan nang walang karagdagang pag-utang.

"The MIF is a bold step towards our country’s meaningful economic transformation. Just as we are recovering from the adverse effects of the pandemic, we are now ready to enter a new age of sustainable progress, robust stability, and broad-based empowerment," ani Marcos.

"Through the fund we will leverage on a small fraction of the considerable but underutilized investable funds of government and stimulate the economy without the disadvantage of adding additional fiscal and debt burden," saad pa niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, ilang mga ekonomista at mambabatas ang nagbabala sa pagsasabatas ng MIF dahil maaari umano itong maabuso at maaari mailagay sa panganib ang ekonomiya ng bansa.

Iginiit naman ni Marcos na hindi mabibigo ang MIF hangga't maayos umano itong mapangangasiwaan.

"I contend that we have some of the best economic managers both in government and in the private sector that we can count on to run this fund properly," saad ng Pangulo.

"I assure you that the fund will be managed by a highly competent personnel with a good track record and outstanding integrity.”

Isinabatas ni Marcos ang MIF isang linggo bago maganap ang kaniyang ikalawang SONA sa Lunes, Hulyo 24, 2023.