Naisalaysay ng "The Voice Kids" season 1 grand champion na si Lyca Gairanod na may "third eye" daw siya at lagi itong bukas kaya kung ano-anong pangitain ang nakikita niya.

Sa panayam ng entertainment site na "PIka Pika," inamin ni Lyca na matatakutin siya at marami siyang nakikitang kung ano-anong nakatatakot na bagay, dahil bukas daw ang third eye niya.

Ang third eye ay tumutukoy sa sinasabing "invisible" na mata ng isang tao, na may kakayahang makakita ng mga bagay na hindi basta-basta makikita ng dalawang naked eyes, gaya na lamang ng mga espiritu at iba pang paranormal activities at entities.

Naikuwento ito ni Lyca dahil isang paaralan ang setting ng kanilang horror movie na "Mary Cherry Chua," na hango sa isang urban legend.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bata pa lamang daw si Lyca, nakabukas na raw ang third eye kaya lumaki siyang likas na sindakin.

“So noong ginagawa namin yung movie lalo na pag yung cameraman po malalayo, natatakot po kami. Tapos pinag-uusapan namin si Mary Cherry Chua,” anang Lyca.

“Bukas po kasi yung ano ko eh, third eye. Nakakakita po ako simula noong bata pa ako lalo na po dito sa lugar namin,” dagdag pa ng singer-actress.

Isa sa mga naisalaysay niya ay ang pagkakita niya sa bulto ng isang babaeng nakalutang sa dagat na malapit sa bahay nila sa Cavite, at isa pang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok, sa isa namang tulay na malapit sa kanilang paaralan noon.

Epekto nito, kahit daw naghihilamos si Lyca ng mukha niya, nakadilat daw ang mga mata niya.

"Kaya pag naghihilamos ako nakadilat ang mata ko. Kahit may sabon ’yan, kahit masakit. Ganoon po ako," natatawa raw na sabi ni pa ni Lyca, na pinasok na rin ang pag-arte.

Nawawala naman ang takot niya kapag may iba na siyang kasama.

Mapapanood ang horror movie nina Lyca, mag-amang Joko at Ashley Diaz, Kokoy de Santos, at Alma Moreno, at marami pang iba sa Hulyo 19.