Tila nasa panig ni Broadway Diva Lea Salonga ang singer-actor na si Janno Gibbs, kaugnay ng trending na video nito kung saan makikitang napagsabihan ang ilang fans na basta na lamang nakapasok sa kaniyang dressing room upang magpa-picture.

Makikita sa video na pinagsabihan muna ni Lea ang fans na "sumugod" sa kaniya at sinabing hindi sila dapat pumapasok sa loob ng dressing room dahil wala sila sa guest list, at "for security purposes."

Pinagbigyan naman sila ni Lea pero sa ibang spot nga lang sila nagpunta.

Pagkatapos nito, nag-post ang kumukuha ng video at naglitanya nang mahaba tungkol sa insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagay na pinalagan naman ni Lea sa simpleng tweets na kaniyang pinakawalan.

Mabalik kay Janoo, sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi niya ang isang quote card na mababasa ang naging tweet ni Lea kaugnay ng isyu.

Photo courtesy: Janno Gibbs/IG

Komento naman dito ni Janno, "Nasa tama naman si Ms. Lea. Bawal talaga sa dressing room/backstage ang wala sa listahan."

Sa kabilang banda, sinabi ni Janno na sana raw, mas naging maayos ang pagsasabi ni Lea na huwag silang pumasok nang basta-basta sa dressing room.

Sana lang nasabi niya (nang) mas maayos. Yung hindi mapapahiya ang fans. Sa akin lang naman," aniya.

Sa isa pang IG story, ibinahagi ni Janno ang viral video at nilagyan ito ng text caption na "Following protocols."

Photo courtesy: Janno Gibbs/IG

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lea kaugnay sa reaksiyon at saloobin ni Janno.