Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Martes ng umaga, Hulyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:28 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 28 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Burgos, Ilocos Norte, na may lalim na 21 kilometro.

Naramandaman ang Intensity III sa Pagudpud, Adams, at Pasuquin, Ilocos Norte.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II - City of Laoag , Ilocos Norte

Intensity I - Sinait, Ilocos Sur

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.