CAMP AQUINO, Tarlac City -- Nasa 55 taga-suporta ng Communist Terrorist Groups (CTGs) at Communist Front Organizations (CFOs) ang kumalas ng suporta at nangako ng katapatan sa gobyerno para sa kapayapaan at kaunlaran gayundin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa isang seremonya sa Barangay Villarica, Pantabangan, Nueva Ecija noong Biyernes, Hulyo 14.

Ang naturang pagkalas ng suporta ay ginawa ng mga miyembro ng Indigenous People KM8 Agriculture Association ng Pantabangan, Nueva Ecija, isang Indigenous Peoples/peasant organization na konektado sa CTG-linked Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL)-Nueva Ecija chapter, ayon sa Armed Forces-Northern Luzon Command (Nolcom) nitong Lunes, Hulyo 17.

Sinabi ng mga sumuko na ang kanilang ginawa ay isang makabuluhang bagay para sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na wakasan ang local communist armed conflict. 

Pinuri naman ng Nolcom ang ginawa ng mga naturang miyembro.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"We admire the courage you showed and this is the right thing to do. Joining them will benefit no one,” ani Commodore Karl A. Decapia, Nolcom deputy commander.