Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes na gagawin niyang simple ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 24.

Ito aniya ay magsisilbing performance report nito sa mga Pinoy kung saan ilalahad niya ang mga nagawa ng administrasyon.

“It’s really very simple. It’s just a performance report for Filipinos to see – sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan o salita lamang,” paliwanag ni Marcos matapos pangunahan ang pamamahagi ng mga tulong ng pamahalaan sa Pampanga nitong Lunes.

Tatalakayin din ni Marcos ang mga programa at proyekto na binanggit na niya sa nakaraan niyang SONA.

Nais din niyang ipaliwanag sa taumbayan ang kahalagahan ng pag-unlad sa Pilipinas.

“That’s what I want to explain to the people — that we have made significant progress. We can see the difference now not only in terms of how the system works, how the government works,” aniya.

"It is also in how we are now seen or judged in the international community. That’s equally important,” dagdag pa ng Pangulo.