May nilinaw ang Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Hulyo 17,hinggil sa sertipikasyon para sa foreign medical graduates ng medical schools sa Pilipinas.

Ayon sa PRC, nililinaw umano sa sertipikasyon nito na may petsang Marso 30, 2023, na karapat-dapat kumuha ng Physician Licensure Examination (PLE) ang foreign medical graduates na pinagkalooban ng Doctor of Medicine ng College of Medicine na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

Maaari umanong kumuha ng PLE ang foreign medical graduates alinsunod sa kanilang pagtalima sa mga requirement na itinakda ng Republic Act No. 2383 o ang “The Philippine Medical Act of 1959”, at iba pang mga batas, tuntunin at, regulasyong nauugnay dito.

“Verily, foreign medical graduates may then apply to take the PLE and be eligible for registration to practice medicine in the Philippines pursuant to Republic Act No. 2382, otherwise known as ‘The Philippine Medical Act No. 2382, otherwise known as ‘The Philippine Medical Act of 1959”, as amended, and other laws, rules and regulations pertinent thereto’,” anang PRC.

Eleksyon

Isko Moreno, Chi Atienza usap-usapang suportado ng Iglesia Ni Cristo

Nilinaw ng ahensya ang naturang usapin matapos umano ang natatanggap nilang mga katanungan hinggil sa regulasyon at paglilisensya ng medical profession sa Pilipinas, maging tungkol sa isyu ng kung ang foreign medical graduates ng Philippine medical schools ay pinahihintulutang magparehistro upang magpraktis ng medisina sa bansa.