Inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco nitong Lunes, Hulyo 17, na ang Radio Television Malacañang (RTVM) ang siyang magsisilbing direktor ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa darating na Hulyo 24, 2023

Sa panayam ng mga mamamahayag sa KAMARA, sinabi ni Velasco na base sa nakuha nilang impormasyon mula sa Office of the President (OP) at Presidential Communications Office (PCO),  ang RTVM ang “magte-take over” sa pagdidirehe ng SONA ngayong taon.

Nang tanungin naman si Velasco kung hindi na magdidirehe si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano ng SONA 2023, sinabi niyang hindi niya alam ang impormasyon hinggil dito.

"I don’t know but that’s the information we got in today’s final [interagency] meeting,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang noong Hulyo 4 ay sinabi ni Velasco na ididirehe ni Soriano ang SONA na magaganap na sa Lunes.

MAKI-BALITA: Paul Soriano, muling magdederehe ng SONA

Samantala, noong Hulyo 10, inihayag ng opisyal na naghihintay pa sila ng impormasyon mula sa OP kung sino talaga ang magsisilbing SONA director.

Si Soriano ang naging direktor ng kauna-unahang SONA ni Marcos noong Hulyo 25, 2022. Matapos ang tatlong buwan simula noon, itinalaga siya bilang presidential adviser.