Trending sa social media si Broadway Diva Lea Salonga matapos kumalat ang video ng isang fan na umano'y napagsabihan ng singer-actress matapos pumasok sa dressing room nito upang magpa-picture.

Isang Facebook post mula sa netizen at uploader na nagngangalang "Cristopher Retokelly Carpila" ang nagbahagi ng video niya habang nasa pintuan ng dressing room ni Lea at nagre-request na makapagpa-picture dito.

Ngunit tila hindi nagustuhan ni Lea ang pagpasok nila sa dressing room, lalo't hindi niya kilala ang mga ito.

"Who are you? I'm so sorry, I don't know who you are," magalang pa rin na untag ni Lea.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"We're just a fan," sagot naman ng kumukuha ng video.

Katwiran naman ni Lea, ang dressing room niya na kaniyang personal space ay baka dagsain ng iba pang nais na magpa-picture sa kaniya, kung papayagan niya silang pumasok at pagbigyan.

Sey ni Lea, wala rin sila sa guest list kaya hindi siya basta-basta puwedeng magpapasok sa loob ng dressing room "for security purposes" ng mga gaya niyang performers.

Paliwanag naman ng isa sa mga nagpapa-picture, isa sila sa producers ng show. Binanggit pa nito ang dating aktres na si G Tongi.

Sa pagsasalita naman ni Lea ay maayos naman niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig. Puwede niyang pagbigyan ang mga nagpapa-picture subalit hanggang pinto lamang o sa ibang lugar upang wala nang gumaya pa sa kanila.

Si Lea pa nga ang pumili ng spot sa labas ng kaniyang dressing room upang pagbigyan ang nabanggit na fans na nais kunin ang pagkakataong makapagpa-picture sa kaniya.

"Sorry madam," pahayag naman ng kumukuha ng video.

"Lea idol na idol ka po namin, kahit isang picture lang po," sundot pa nito.

"Thank you so much," sambit naman ng award-winning singer-actress.

Habang sinusundan si Lea sa spot na sinasabi nito, maririnig ang papuri ng nagbi-video sa kaniya, na wala raw itong kupas at nakaka-proud.

Sa spot na malapit sa pintuan, doon tila nagpakuha ng litrato si Lea sa fans na kaniyang "napagsabihan."

Mababasa sa FB post ng uploader na Part 2 raw ang video na kaniyang inilakip, at may binanggit pa siyang Part 1 na aniya'y "mas malala" pa raw kaysa sa mapapanood dito.

"Para kay Ate LEA, if ever naman po na mali kami at wala sa guest list, the Fact na andun na kami para lang magpapicture .. pumila at nagbayad ng mahal para sa Show, siguro naman po bilang Kapwa PILIPINO at mga FANS eh mabigyan ng kahit konting RESPETO AT KAHIT HINDI NA YAKAPIN OR I BESO ay mapagbigyan na kahit sandaling Magpa PICTURE ( mabilis lang naman yun 📸)," mababasa sa post ng uploder.

Iginiit pa ng uploader na isa siyang "Sharonian" o fan ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa kabilang banda, iprinomote pa ng uploader ng video ang concert na "Here Lies Love" sa Broadway kung saan kabilang nga ang Broadway Diva.

Photo courtesy: Cristopher Retokelly Carpila's FB

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento mula sa netizens, na karamihan ay walang nakikitang masama sa ginawa ni Lea.

"Lea Salonga was not wrong to insist on respecting her personal space in this instance. These 'fans' are beyond entitled and rude. But my key takeaway here is there’s no one managing or securing their backstage area?"

"If totoo mang pinapasok kayo ng guard, why didn't you tell it in the first place? Para alam din ni Ms. Lea Salonga na pinapasok kayo ng mismong guard. Hindi 'yung basta-basta kayong pumasok. Para, masabihan niya mismo 'yung guard na nagpapasok sa inyo do'n."

"Another issue nanaman jusko mga taong to… Tama naman si Lea eh.. and di naman porket sikat ka eh dapat iwelcome mo lahat ng tao sa kwarto mo kahit di mo kilala hindi naman dapat ganun ehehe OA lang mga tao ngayon!!! Ito rin kasi mga fans basta basta pumapasok."

"Jusko hindi naman pala fan ni Coach Lea Salonga 'tong sumugod sa Dressing Room niya. Sharonian pala amp*tah! Kakairita! Naawa ako kay CL kasi parang nainvade nila ang privacy. As a fantard of Coach Sarah Geronimo hindi kami ganito ka-kupal. Nakakahiya kayo..."

"Worked with Coach Lea for all seasons of The Voice. Kahit staff kami, never kaming basta basta papasok sa dressing room para magpapicture or humingi ng favor unless alam ng prod or about sa work. Sobrang ingat namin sa kanya dahil LEA SALONGA yan. These people are so entitled."

https://twitter.com/MarkTojon/status/1680680297732657152

Samantala, may ilan namang pumanig sa fans at nagsabing sana ay pinagbigyan na lamang sila para hindi na lumaki ang isyu.

"Kung ako kay Ms. Lea sana pinagbigyan na lang doon mismo sa labas ng dressing room niya."

"Sana hindi na lang pinalaki, doon mismo sa labas ng dressing room puwede naman."

"I feel bad for fans kung pinapasok na raw sila ng guard, hindi lang siguro informed si Ms. Lea."

"So this was that Lea Salonga video. Huhuhu! How did the fans reach her dressing room though? Walang security sa backstage? Lea is still mabait at pinagbigyan ang mga fans."

"Di ko maimagine na ganyan pala siya makipag-usap sa fans I cannot kapatid Cristopher Retokelly Carpila nagawa mo pang purihin siya nonono... para akong nasaktan the way siya makipag-usap sa inyo..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lea hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.