Dahil sa patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng general flood advisory sa walong rehiyon nitong Linggo, Hulyo 16.

Sa tala ng PAGASA, inihayag nito maaaring bumaha sa mga probinsya sa Ilocos Region na La Union at Pangasinan dahil sa maaaring umapaw na mga ilog.

Para naman sa Cagayan Valley Region, iniulat ng PAGASA na hindi naman na maaapektuhan ng pag-ulan ang mga ilog sa Cagayan. Ganito rin umano ang sitwasyon sa CALABARZON, partikular na ang Cavite, Quezon, Laguna, Rizal, at Batangas.

Maaari pa rin namang maapektuhan ng pag-ulan ang mga ilog sa Central Luzon, partikular na sa Bataan at Zambales, ayon sa PAGASA. Dahil dito, residente ang mga residente malapit sa dalisdis ng bundok at mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng epekto ng pag-ulan.

Eleksyon

Jimmy Bondoc, nagpasalamat kay Sen. Alan Peter Cayetano: 'Tumindig siya para sa akin!'

Patuloy pa rin umanong naapektuhan ng pag-ulan ang mga katubigan sa MIMAROPA, partikular na ang Occidental at Oriental Mindoro, kaya’t pinag-iingat ang mga residenteng malapit sa ilog.

Samantala, ipinaalam ng PAGASA na hindi na apektado ng pag-ulan ang mga ilog sa Western Visayas, partikular na ang Guimaras, Antique, Negros Occidental, at Iloilo.

Patuloy naman umanong sinusubaybayan ng state bureau ang mga probinsya sa Cordillera Administrative Region na Benguet at Ifugao. Inabusuhan din ang mga residente sa lugar na malapit sa ilog na magsagawa ng ibayong pag-iingat.

Para naman sa rehiyon ng CARAGA, inihayag ng PAGASA na maaari pa rin maapektuhan ng pag-ulan ang kabahayan ng Dinagat Islands, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, at Agusan Del Sur. Kaya naman, pinaalalahanan ng ahensya ang mga residenteng malapit sa ilog na mag-ingat lalo na tuwing may pag-ulan.