Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:18 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa timog-silangan ng General Macarthur, Eastern Samar, na may lalim na 39 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa General Macarthur, Eastern Samar.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - General Macarthur, Eastern Samar

Instrumental Intensities:

Intensity III - Quinapondan, Hernani, Eastern Samar; Basey, Samar

Intensity II - Carigara, Dulag, Leyte; 

Intensity I - Sulat, Eastern Samar; Hilongos, Mahaplag, Ormoc City, Leyte; Marabut, Samar; Hinunangan, Southern Leyre

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.