Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng hapon, Hulyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:57 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 46 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 42 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.