Nakapagtala pa ng 184 pagyanig ang Bulkang Mayon sa nakaraang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, nagkaroon din ng 238 rockfall events, at tatlong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events mula madaling ng Linggo hanggang madaling araw ng Lunes.

Nagbuga muli ng lava ang bulkan na umabot sa 2.8 kilometro kung saan tinabunan nito ang Mi-isi Gully.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot naman sa 1.4 kilometro ang niragasa ng lava sa bahagi ng Bonga Gully.

Nasa 1,689 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng Mayon Volcano nitong Hulyo 16.

Hindi naman matiyak ng Phivolcs kung nagbuga ng puting usok ang bulkan dahil natakpan ito ng makapal na ulap.

Nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan na posibleng sumabog anumang oras, ayon pa sa Phivolcs.

Ipinagbabawal pa rin ng mga awtoridad ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan.