Arestado ang isang babaeng wanted sa kasong estafa matapos salakayin ang pinagtataguan nito sa Batangas City nitong Lunes.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nakilala ang akusado na si Lynette Perdiguerra, 41, negosyante, may-asawa, taga-San Juan, Batangas.

Si Perdiguerra ay natiktikan ng mga tauhan ng Batangas PPO-Provincial Intelligence Unit at Batangas City Police Station sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Marso 24, 2023, naglabas ng warrant of arrest ang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 2, Iloilo City laban kay Perdiguerra sa kasong estafa.

Itinakda ng hukuman ang piyansang ₱18,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Perdiguerra na nasa kustodiya na ng pulisya.