CAMP G. NAKAR, Lucena City Quezon - Dinampot ng mga awtoridad ang isang 63-anyos na babae matapos mahulihan ng mahigit sa ₱2.8 milyong halaga ng illegal drugs sa nasabing lungsod nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon Police Provincial director Col, Ledon Monte, ang suspek na si Julieta Maruhom, taga-Netherlands Street, University Site Village, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Nahuli ang suspek matapos umanong bentahan ng 139 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang police poseur buyer sa nasabi ring lugar dakong 1:58 ng madaling araw.

Nasamsam ng pulisya ang ₱2,835,600.00 na halaga ng illegal drugs.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Paliwanag ng mga arresting officer, kabilang si Maruhom sa high-value individual (HVI) na matagal nang sinusubaybayan sa Lucena City.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 laban sa suspek.