CAN-AVID, Eastern Samar - Labing-isang matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng militar matapos madiskubre ang isang arms cache ng mga rebelde sa Can-avid, Eastern Samar kamakailan.

Sa report ng militar, kabilang sa mga narekober ng mga tauhan ng Philippine Army (PA)-42nd Infantry Battalion (IB) ang limang M14 rifles, apat na M16 rifles, isang shotgun, isang M79 grenade launcher, isang radyo, iba't ibang bala, pampasabog at subersibong dokumento.

Ang mga nasabing armas ay nadiskubre sa bulubunduking bahagi ng Barangay Buco, Can-avid, sa tulong ng isang nailigtas na miyembro ng New People's Army (NPA) nitong Hulyo 15.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, nanawagan muli ang militar sa mga rebelde na sumuko at samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno kung saan nag-aalok ng cash incentives at tulong pangkabuhayan para sa kanilang pagbabagong-buhay.