Buong tapang na ibinahagi ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, ang opinyon na hindi pumapabor sa isang kaugalian ng kanilang henerasyon ngayon.
Inihayag ng aktres na pinakaayaw niyang trend ngayon sa kanila bilang “Gen Z” ay “Cancel Culture” mentality, sa kaniyang interview kay Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.
“Pinaka-hate ko po na parang trend sa aming Gen Z is the cancel culture,” aniya.
Pagpapaliwanag ni Andrea, walang karapatan ang sinumang indibidwal na husgahan agad ang isang tao batay lamang sa paniniwala nito.
“Kasi para sa akin wala ka dapat talagang karapatan mag-cancel ng tao, dapat talaga Diyos lang ang nagbibigay ng judgement sa tao,” dagdag pa niya.
Sa huli, sinabi pa ng aktres na mas mabuting bigyan ng aral ang taong nakagawa ng kamalian, kaysa pairalin ang nasabing kaugalian.
“Saka imbes na mag-cancel, parang educate the person, saka laging bawal magkamali eh lahat tayo nagkakamali lalo na Gen Z bata pa lang kami dapat ngayon kami naggo-grow at dapat natututo pero ngayon takot na takot na kami ngayong magkamali.
Sa kabilang banda, ang cancel culture ay ang paraan ng malawakang "pag-boycott," panawagang pandededma, o hindi pagsuporta sa isang taong may hindi katanggap-tangap na kilos, salita, pahayag, o aksyon batay sa paningin, paniniwala o standard ng karamihan.
Bahagi rin ng vlog ang pagtatanong ni Vice kung ayaw na niya sa isang basketball player.