Inilunsad ng Malacañang ang “Bagong Pilipinas” campaign bilang bago umanong “brand” ng governance at leadership ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa Memorandum Circular (MC) No. 24 na inilabas ng Malacañang nitong Linggo, Hulyo 16, magiging bahagi ang "Bagong Pilipinas" ng branding at communications strategy ng National Government.
"Bagong Pilipinas is the overarching theme of the Administration's brand of governance and leadership, which calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and fosters the state’s commitment towards the attainment of comprehensive policy reforms and full economic recovery,” nakasaad sa MC.
"Bagong Pilipinas is characterized by a principled, accountable, and dependable government reinforced by unified institutions of society, whose common objective is to realize the goals and aspirations of every Filipino," dagdag nito.
Sa ilalim ng MC, inaatasan ang lahat ng national government agencies (NGAs), government-owned or -controlled corporations (GOCCs), state universities at colleges (SUCs), na i-adopt ang “Bagong Pilipinas” campaign sa kanilang mga programa, aktibidad, at proyekto.
Inatasan din ang naturang mga ahensya na gamitin ang logo ng “Bagong Pilipinas” sa letterheads, websites, official social media accounts, at iba pang dokumento na nakatuon sa flagship programs ng gobyerno.