Mahigit 4,000 mga residente sa La Palma, Spain ang lumikas sa kanilang mga tahanan matapos umanong sumiklab ang isang wilfire sa 4,500 ektaryang lupain sa nasabing lugar.
Sa ulat ng Xinhua, nagsimula ang wildfire nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 15.
Naging sanhi umano ito ng pagkasunog sa lugar malapit sa munisipalidad ng Puntagorda sa hilagang-kanlurang rehiyon ng Canary Islands, kung saan matatagpuan ang mga tahanan at sakahan.
Rumiresponde pa rin umano sa sunog ang mga bumbero habang sakay ang mga sasakyang panghimpapawid, kabilang na ang mga helicopter.
Karamihan sa mga bahagi ng Spain ay dumanas ng pangalawang heatwave noong nakaraang linggo, habang isa pang heatwave ang inaasahang mangyari sa susunod na linggo, ayon sa Spanish Meteorological Agency.
Dahil dito, karamihan umano ng central at southern Spain ay kasalukuyang nakasailalim sa alert status para sa posibleng wildfires.