Mahigit 1,600 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at malakas na pag-ulan dulot ng pinagsamang epekto ng bagyong Dodong at southwest monsoon o habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Hulyo 16.

Sa tala ng NDRRMC, ang 491 pamilya o 1,638 indibidwal na naapektuhan ng bagyo at habagat ay nagmula sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Mula sa mga naapektuhan, 400 pamilya o 1,419 indibidwal umano ang inilikas sa 36 evacuation centers sa limang rehiyon sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nagkaloob sila ng relief assistance na nagkakahalaga ng P267 milyon para sa mga naapektuhang residente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hinimok naman ng ahensya ang publiko na manatili sa kanilang mga tahanan at manatiling ligtas sa gitna ng masamang panahon, laging makinig sa mga update ng panahon, at sumunod sa mga panawagan para sa paglikas mula sa mga lokal na opisyal kung kinakailangan.

Nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dodong nitong Sabado ng hapon, Hulyo 15, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

MAKI-BALITA: Bagyong Dodong, nakalabas na ng PAR

Gayunpaman, inihayag din ng PAGASA nitong Linggo na patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas na habagat.

MAKI-BALITA: Malaking bahagi ng bansa, patuloy na uulanin dahil sa habagat – PAGASA