Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Linggo, Hulyo 16, ang lahat ng regional directors sa Luzon na makipagtulungan sa Local Government Units (LGUs) officials pagdating sa pamamahagi ng relief goods bilang tugon sa pananalanta ng Bagyong Dodong.
“Kindly make sure to link up with your governors and tell them if they need help with evacuation. We can send over FFPs (family food packs). I’m seeing in the news isolated evacuations everywhere,” ani Gatchalian.
Binigyang-diin din ng DSWD chief na dapat maging maagap ang mga regional director ng ahensya sa pakikipag-ugnayan sa kanilang gobernador, alkalde at kongresista para mag-alok sa kanila ng delivey ng family food packs sa mga lugar kung saan may mga evacuee.
Sinabi naman ni Central Luzon Regional Director Jonathan Dirain kay Gatchalian na ang Field Office-3 ay nakipag-ugnayan na sa provincial government ng Bulacan para sa pagpapadala ng family food packs.
“We will be sending FFPs to the evacuation center (in Bulacan) kahit wala pa po silang request,” ani Dirain.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, mahigit 1,600 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at malakas na pag-ulan dulot ng pinagsamang epekto ng bagyong Dodong at southwest monsoon o habagat.
MAKI-BALITA: Mahigit 1.6K indibidwal, naapektuhan ng bagyong Dodong, habagat – NDRRMC