Albay, open pa rin sa mga turista kahit nag-aalburoto ang Bulkang Mayon
Nanawagan pa rin ang Albay Tourism Council (ATC) sa local at foreign tourists na puwede pa ring bumisita sa lalawigan upang saksihan ang patuloy na pamumula ng bunganga ng Bulkang Mayon, lalo na kapag gabi.
Paglilinaw ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) research division chief Eugene Escobar, mayroong 18 na lugar kung saan ligtas na panoorin ang pamumula ng bulkan na dulot ng patuloy na pagbuga nito ng lava.
“This is the best time to promote Albay’s tourism and boost recovery of our local economy," ani Escobar sa ginanap na pagpupulong ng ATC sa Governor's Guest House kamakailan.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Board Member Melissa Abadeza-Armedilla bilang Chairperson ng Committee on Tourism, Culture, and Arts at Albay Provincial Information officer Marylou Duka-Castillo na kumakatawan kay Governor Edcel Greco Lagman.