Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos yanigin ng magnitude 7.3 na lindol ang Alaska Peninsula nitong Linggo ng hapon, Hulyo 16.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” anang ahensya.
Sa tala ng Phivolcs, nangyari umano ang lindol na may lalim na 21 kilometro dakong 2:48 ng hapon.
Samantala, inihayag naman ng US Geological Service (USGS) sa ulat ng Agence France-Presse na isang tsunami warning ang inilabas sa ilang mga lugar sa US state of Alaska dahil sa naturang lindol.