Pumanaw na umano ang actor-director na si Ricky Rivero nitong Linggo ng umaga, Hulyo 16, sa edad na 51.

Kinumpirma ito ng partner ni Rivero sa pamamagitan ng isang post na tila binura o pinrivate naman makalipas ang ilang oras.

“Wala na po [si] Ricky Rivero, namayapa na po. [M]araming salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko,” saad sa naturang post.

Image: Screengrab from Facebook/Ricky S Rivero

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa ulat naman ng PEP, kinumpirma na rin umano ng tiyo ni Rivero na si Phillip Salvador ang nangyaring pagpanaw ng kaniyang pamangkin.

Nagpahayag naman ng pagluluksa si Herbert Bautista sa pagpanaw ng isa umanong kaibigan at kasamahan sa pelikula at telebisyon.

“Malungkot na araw dahil sa pag-panaw ng isang kaibigan at kasamahan sa pelikula at telebisyon. Paalam, Ricky. Nakikiramay ang aming pamilya sa Salvador at Rivero Families,” saad ni Bautista sa kaniyang Facebook post.

Hindi pa naman malinaw ang dahilan ng pagkamatay ni Rivero.

Samantala, matatandaang buwan ng Mayo nang isinugod sa ospital ang actor-director dahil sa stroke.

Nagsimula ang showbiz career ni Rivero bilang isang child actor, kung saan bumidad siya sa palabas na Ninja Kids at Samurai Sword. Naging mainstay host din siya sa “That’s Entertainment” mula 1986 hanggang 1996.