Bagamat hindi sumasang-ayon sa intensyon ng drag performance ni Pura Luka Vega, binigyang-diin ni Teddy Baguilat Jr. hindi na kailangang mangondena ng tao.
"I don’t agree with the intent of Pura Luka’s drag performance of Jesus but I will stop at that. No need to be condemning people," ani Baguilat sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Hulyo 14.
Dagdag pa niya, noong minura raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Panginoong Hesus, wala naman daw imik ang karamihan.
"Si Duterte nga minura si Jesus at sinabihan na tanga e walang imik naman ang marami," aniya.
Eleksyon
Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon
"Better for us to converse more in a level headed manner."
[embed]https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1679809279153541120[/embed]
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng paliwanag sa kaniyang panig si Vega.
“I’d like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone.”
“On the contrary, it is a drag art interpretation of worship. I was very intentional of using a specific song and symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion,” aniya sa ipinadalang mensahe sa ABS-CBN News.