Usap-usapan ang naging makahulugang tweet ni Sen. Joel Villanueva hinggil sa gawaing nagreresulta sa "mockery" o "pangungutya sa pananampalataya."

Ayon sa tweet ng senador noong Hulyo 13, ang gawaing ito ay labag din sa batas, at wala itong pinipiling kasarian.

"Ang isang gawaing nagreresulta sa mockery o pangungutya sa pananampalataya ng isang indibidwal o grupo sa kanilang mga religious belief and practices ay isa ring punishable act sa ilalim ng Article 201 ng Revised Penal Code," anang senador.

Dagdag pa, "Ang pananagutan sa batas ay walang pinipiling kasarian!"

Ilang politiko, personalidad umalma sa 'Ama Namin' remix ni Pura Luka Vega

https://twitter.com/senatorjoelv/status/1679484111139016704

Bagama't walang direktang tinukoy, naiugnay ito ng mga netizen sa mainit na isyu ng drag art performance ni "Pura Luka Vega" matapos niyang gamiting background song ang "Ama Namin" remix.

Nagdulot ito ng katakot-takot na reaksiyon at komento hindi lamang sa mga netizen kundin maging sa mga politiko at kilalang personalidad.

Pati ang CBCP ay naglabas na rin ng pahayag tungkol dito.

https://balita.net.ph/2023/07/13/cbcp-official-kay-pura-luka-vega-may-god-have-mercy-on-him/

Agad namang dinepensahan ng drag queen ang kaniyang sarili laban sa mga kritiko.

https://balita.net.ph/2023/07/13/pura-luka-vega-may-paliwanag-sa-kontrobersyal-na-ama-namin-remix-sa-drag-performance/