Posible palang yumaman sa pamamagitan ng pamamalimos?

Iyan ang nangyari kay "Bharat Jain" mula sa India, matapos siyang maitampok ng isang pahayagan sa nabanggit na bansa, bilang "world's richest beggar."

Ayon sa ulat ng pahayagang Indian Times, walang tigil sa pamamalimos si Jain sa mga lansangan ng Mumbai, India dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at walang mapasukang trabaho.

Matapos ang kaniyang pamamalimos, nakaipon umano ang Mumbai resident ng 7.5 crores (Indian rupee) na may katumbas na $1M. Sa Pilipinas, papalo na ito sa mahigit ₱50M.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kada buwan naman, umaabot daw sa 60k hanggang 75k rupees ang kaniyang kita.

Dahil dito, nakabili na umano ang "richest beggar" ng sariling apartment unit, may negosyong tindahan ang misis, at nakakapag-aral sa pribadong paaralan ang kaniyang mga anak.

Samantala, noong Mayo 2023 lamang ay nasa rank 64 ang India sa inilabas na listahan ng "100 poorest countries in the world" ayon naman sa ulat ng Global Finance Magazine. Nasa rank 73 naman ang Pilipinas.