Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Hulyo 14, ang mga detalye para sa isasagawang face-to-face mass oathtaking para sa bagong therapists, architects, at nurses ng bansa.
Sa Facebook post ng PRC, ibinahagi nitong nakatakdang maganap ang in-person oathtaking para sa physical therapists and occupational therapists sa Hulyo 22, 2023, sa Reception Hall, Philippine International Convention Center (PICC), Vicente Sotto St., Pasay City.
Nakatakda namang maganap ang face-to-face oathtaking para sa mga bagong architect sa Agosto 13, 2023 sa Plenary Hall ng PICC.
Samantala, nakatakda umanong maganap ang in-person oathtaking para sa bagong nurses sa Hulyo 29, 2023 sa Reception Hall ng PICC.
“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.
Para sa nurse inductees, kinakailangan umanong magsuot ng Gala Uniform at Cap sa seremonya, habang ang mga physical at occupational therapist oath takers ay dapat magsuot ng business attire.
“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as "attended’,” saad pa ng PRC.
Inabisuhin din ng PRC ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.
Para naman sa mga hindi makakadalo sa face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking.
"After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph," saad ng PRC.