Wala pa ring pinalad na makapag-uwi ng milyun-milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa huling bola nitong Biyernes, Hulyo 14.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakapag-uwi ng P29,700,000 premyo ng Grand Lotto dahil walang nakahula sa winning numbers na 34-46-48-23-21-30. Gayunman, may anim na nanalo ng tig-P100,000 bilang second prize.
Samantala, bigo ring napanalunan ang P10,393,564.60 ng Lotto 6/42 na may winning combination na 36-16-18-35-05-39, habang tig-P24,000 naman ang iuuwi ng siyam na lucky bettors na nanalo ng second prize.
Probinsya
4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang papremyo ng naturang lotto games.
Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.